Ang El Presidente
ay tungkol sa buhay ni Presidente Emilio Aguinaldo kung panu siya naging unang
presidente ng Pilipinas. Pinakita dito kung pano nya pinag-laban ang kalayaan ng bawat
pilipino sa mga mananakop sa ating bansang Pilipinas. Sa panunuod ko ng El
Presidente ang pagkakaalam ko lang sa buong buhay ko ay si Emilio Aguinaldo ang
unang presindente ng pilipinas. Hindi ko alam kung panu nya tayo pinag-laban sa
mga kastila at amerikano. Bago ko mapanuod ko ang penikula na iyong may na
babalitaan na ko kontrobersyal kung sino talaga ang unang naging presidente ng
Pilipinas. Pero bago ko panuorin ang El Presidente ay pinanuod ko muna ang
penikulang “Bonifacio ang unang supremo” pinanuod ko ito kahit malabo ang na
kuha kong kopya. Base sa pinanuod kong Bonifacio tugma ang mga sinabi samen ng
aming guro sa paksang kasaysayan ng pilipinas ang buhay ni Bonifacio. Habang pinapanuod
ko ang El Presidente na guluhan ako kung anu ba talaga ang totoo kung nagtaksil
ba si Bonifacio sa bayan natin o hindi, kasi pinakita duon na nagnakaw si
bonifacio at pumatay ng kapwa Pilipino. Pinakita
din duon na totoo yun pinawalang
bisa ni Bonifacio ang unang halalan dahil sa pamamaliit sa kanya at hindi ni
respeto ang resulta at desisyon ng mga boto kasi iyong ang usapan gagalangin at
irerespeto ang resulta. Pinakita din na parang na sulsulan si Aguinaldo ng
kanyang mga gabinete na ang gusto nila ay hatulang ng kamatayan si Bonifacio
kahit gusto ni Aguinaldo ay ipatapong lang si Bonifacio. Nainis ako kay Heneral
Antonio Luna dahil sa ugali nyan makasarili at hindi maka-taong gawain. Pero ganun
lang talaga pag nagkaruon ka ng kapangyarihan at mataas na posisyon sa gobyerno.
Sa panunuod ko ng El Presidente marami akong tanung na naiisip sa akin isipan
kung totoo ba ang lahat nangyari sa penikula, kung maraming dagdag at bawas
para luminis at gumanda ang penikula. Alam naman natin na ang pamilyang
Aguinaldo at Bonifacio ay hindi padin magkasundo hanggang sa ngayon. Gusto kong
bumalik sa nakaraan para malamang ang katotohanan at maayos sa kasalukuyan. Kung
maayos natin ang nakaraan, magiging maayos din kung anung meron tayo ngayon sa
atin gobyerno. Ang umangat ang antas natin sa pamumuhay.